MANILA, Philippines – Iniulat ni Department of Justice Secretary Fredderick A. Vida na umagat sa 99.77% ang case resolution rate ng National Prosecution Service (NPS) noong 2025, mula 98.72% noong 2024.
Tumaas din ang conviction rate sa 90.84% mula sa dating 90.13%.
Ayon kay Vida, mas mabilis na ngayon ang pag resolve sa mga kasong hinahawakan ng NPS.
Aniya, ang pag-angat ng performance ng DOJ ay bunsod ng mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Kagawaran at mga law enforcement agency, mas maraming taga usig o piskal pagsasampa ng mga kasong may sapat na ebidensya na nagreresulta sa mas maraming plea bargaining.
Dagdag ni Vida, dahil sa mas maraming piskal, mas nakiisa-isa at mas napag-aaraalan nang mabuting ang mga kaso.
Resulta nito hindi na umaabot sa Korte ang mga reklamong halagang harassment lamang.
Kapag naisalba na ng DOJ sa Korte ang kaso , as nauunawaan na ng mga akusado na decade sila kaya mas na pipilitin nila ang plea bargaining agreement.
Ito aniya ang ilan sa rason kung bakit mas mabilis na ang takbo nv hustisya sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden