Home METRO HVI trayk driver, arestado sa higit P.3-M tobats sa Caloocan

HVI trayk driver, arestado sa higit P.3-M tobats sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines – Swak sa hoyo ang isang tulak na tricycle driver na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Sabado ng hating gabi.

Sa ulat ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang suspek ay isang 22-anyos na tricycle driver na kabilang sa kanilang drug watchlist.

Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), kaagad ikinasa ng mga ito sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Hindi na nakapalag ang suspek nang sunggaban ng mga operatiba ng SDEU matapos umanong tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu dakong alas-12:13 ng hating gabi sa Remedios St., Brgy., 180.

Umaabot sa 55.11 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P374,748.00 ang nasamsam sa suspek, kasama ang buy bust money na isang tunay na P500 bill at 27 pirasong boodle money at isang motorsiklo.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here