Home NATIONWIDE Suporta sa pagtatanggol sa WPS, ipinangako ng PNP

Suporta sa pagtatanggol sa WPS, ipinangako ng PNP

1
0

MANILA, Philippines – Nangako si PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na patuloy na susuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga programa ng pamahalaan para sa pagkakaisa, pagkamakabayan, at pagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay matapos makilahok ang PNP sa National Peace Walk noong Hulyo 12 sa Quirino Grandstand bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award, na kumilala sa mga karapatang pandagat ng Pilipinas.

Ayon kay Nartatez, bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, nakikiisa rin ang PNP sa pagtatanggol sa pambansang interes sa pamamagitan ng mapayapa at legal na paraan.

Pinasalamatan naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang PNP sa pakikilahok sa programa at sa patuloy nitong suporta sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

Bilang tugon, sinabi ni Nartatez na nananatiling katuwang ang PNP sa mga hakbang ng pamahalaan upang mapalakas ang pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here