MANILA, Philippines – Nanawagan si Solid North Party-list Rep. Ching Bernos sa TESDA na magbigay ng digital literacy training sa mga kabataang hindi nakapagkolehiyo upang madagdagan ang kanilang oportunidad na makahanap ng trabaho.
Ayon kay Bernos, lumalaki ang pangangailangan sa digital at remote jobs, kaya mahalagang maturuan ang mga kabataan ng mga kasanayang kailangan sa sektor.
Hinimok niya ang TESDA na unahin sa mga pagsasanay ang mga senior high school graduates na hindi nakapag-enroll sa kolehiyo ngunit nais magtrabaho upang makapag-ipon para sa kanilang pag-aaral.
Kabilang sa mga kursong inaalok ng TESDA ang digital marketing, artificial intelligence (AI), web development, at content creation.
Sinabi rin ni Bernos na maraming kabataang Pilipino ang hindi makapagpatuloy sa kolehiyo dahil sa kakulangan ng pera, kaya mahalagang mabigyan sila ng disenteng trabaho upang maipagpatuloy ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. RNT/MDS