Home NATIONWIDE Supplier na nagbigay ng 8 kilos sa halip na 10 kilos, blacklisted...

Supplier na nagbigay ng 8 kilos sa halip na 10 kilos, blacklisted na – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na nagdesisyon na ang Local Government Units (LGus) na i-blacklist ang supplier na nagbigay ng 8 kilo ng bigas sa halip na 10 kilo ng bigas gaya ng nais na mangyari ni Pangulong Ferdnand Marcos Jr.

Kanina, araw ng Lunes, sa Mandaluyong City ay nagkaroon ng rice giving activity sa Mandaluyong City. Ang tatak ng mga sako ay 10 kilos at ito ay “Bawat Barangay Makikinabang” program. Iyon nga lamang ay may mga nagreklamo na ang bigas na pinamigay ay 8 kilo lamang sa halip na 10 kilo.

Bukod sa pag-blacklist sa mga supplier, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na may isinasagawa na ring imbestigasyon hinggil sa usaping ito.

“Opo at hindi po ito nanaisin ng Pangulo. Kung ano dapat na ibigay sa taumbayan dapat ibigay. Sa ngayon po ay nagbigay na rin po ng pahayag at nakausap po natin mismo ang pamunuan ng munisipalidad nakalagay po kasi doon ay Mandaluyong at inalam po natin kung ano po ang nangyari dito dahil sabi po natin hindi po ito nanaisin ng Pangulo,” ayon kay Castro.

“So, ang impormasyon po na naibigay po sa atin ay 29,500 na sako ng bigas na may supposed to be 10 kilos na laman ang naipamahagi pero approximately or ang estimate more or less 50 na sako ang sinasabing kulang sa kilo. So, in-acknowledge po ito ng supplier at sila po ang nagkaroon ng pagkakamali dito at humingi na po daw sila ng paumanhin sa Mandaluyong LGU,” aniya pa rin.

“So, ang aksiyon po ng supplier, ang sabi po ang pangako ay papalitan ng buo na 10 kilos ang sako na nakakuha ng eight kilos, bibigyan ng additional na 10 kilos na bigas. At hindi na babawiin ang unang naibigay na mga eight kilos lang,” ang sinabi pa rin nito. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here