PANGASINAN, Philippines – Swak sa kulungan ang isang senior citizen na tricycle driver na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Binmaley ng lalawigang ito nitong Lunes ng gabi, Setyembre 14.
Base sa ipinadalang ulat ng Pangasinan PPO sa Police Regional Office 1 (PRO1), ang 60-anyos na suspek ay residente ng Lingayen, Pangasinan.
Bandang alas-10:48 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation na tumagal ng halos isang oras.
Ang operating team ay binubuo ng mga personnel ng PPDEU Pang PPO (lead unit), PDEA RO 1 Pangasinan Provincial Office, PIT Pang RIU1, PIU Pang PPO, RPDEU PRO1, PDEG SOU1 at Binmaley MPS.
Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng apat (4) na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Tumitimbang ng 60 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P408,000.00 ang narekober na hinihinalang shabu.
Bukod sa hinihinalang shabu, may mga narekober din na mga itinuturing na non-drug evidence tulad ng isang P500 na ginamit bilang buy-bust money at 12 pieces na P1,000 na boodle money.
Ginawa ang inventory at markings sa mga narekober na ebidensya sa mismong pinangyarihan ng buy-bust operation, sa harap ng mga mandatory witness at ng suspek. Rolando S. Gamoso