Home ENTERTAINMENT Ian de Leon, nagsalita na ukol sa mana ng ina

Ian de Leon, nagsalita na ukol sa mana ng ina

195
0

Manila, Philippines – Kasabay ng special screening ng tribute film kay Nora Aunor na Faney, na ginanap noong ika-72 kaarawan ng Superstar sa Gateway Cinema sa Cubao, nagbahagi ng ilang pahayag si Ian de Leon, anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon, tungkol sa mga ari-arian na iniwan ng kanyang ina.

Kasama sa pelikula sina Ian de Leon, Bembol Roco, at Roderick Paulate, habang kabilang naman sa main cast sina Laurice Guillen bilang Lola Bona, Gina Alajar, at iba pa. Ikinuwento na ang pelikula ay natapos i-shoot sa loob lamang ng apat na araw sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix Jr.

Dahil naroon sa screening ang pamilya ni Ian, naitanong siya tungkol sa mga personal na bagay at mga ari-arian ni Nora, kabilang na ang mga nasa kanilang hometown sa Iriga City, Bicol.

Sa kanyang maingat na tugon, sinabi ni Ian na nasa proseso pa ng pag-aayos ang mga personal na bagay na iniwan ng kanyang ina. Tungkol naman sa mga properties na balak mamanahin ng magkakapatid, sinabi niyang:
“It’s confidential. I hope people will respect that.”

Ipinaliwanag din na dahil bagong pumanaw si Nora, natural lamang na hindi pa agad tapos ang proseso at ito ay isang mahigpit na usaping pampamilya. Hiniling din ni Ian na respetuhin ng publiko ang kanilang privacy at huwag makialam sa kanilang personal na usapin.

Naniniwala si Ian na sa tamang panahon ay magbabahagi rin ang mga anak ni Nora ng mga detalye tungkol sa kanilang mana. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here