Home METRO 2 magpinsang menor-de-edad sabay nalunod

2 magpinsang menor-de-edad sabay nalunod

100
0

MANILA, Philippines- Kapwa patay na nang dalhin sa pinakalamapit na hospital ang dalawang magpinsang menor-de-edad matapos malunod ang mga sa Catanauan Sea Water sa Barangay Matandang Sabang Silangan Catanauan, Quezon.

Kinilala ng Catanauan Municipal Police Station ang dalawang nasawing biktima na sina Trisha Mae Miranda Manchuz  at Jayrence Semilla Manchuz, kapwa 6 na taong gulang, estudyante, naninirahan sa Barangay 10 ng nabanggit na lalawigan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-2:40  ng hapon nang matagpuan ang magpinsang biktima makaraang magsagawa ng search and rescue operation at agad isinugod ang mga biktima sa Bondon Peninsula District Hospital, subalit kapwa dead on arrival ang mga bata.

Napag-alaman na ang mga biktima at pamilya ng mga ito na nagkayayaang maligo sa Catanauan Sea Water kung saan habang naliligo ang mga nasawi (biktima), hindi umano namalayan ng mga kaanak ng mga biktima na nalunod na ang mga ito. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here