Home ENTERTAINMENT Alden Richards, aminadong dumanas ng depresyon

Alden Richards, aminadong dumanas ng depresyon

100
0

Manila, Philippines – Sa unang pagkakataon, inihayag ng sikat na Kapuso aktor na si Alden Richards ang kanyang pinagdaanang matinding pagsubok sa buhay — ang pakikipaglaban sa depresyon.

Ayon kay Alden, lalo pang lumala ang kanyang kalagayan matapos ang pagpanaw ng kanyang lolo nitong Enero.
“Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there. I think last year was my lowest year, rock bottom. It took me six months to get over that,” ani Alden.

Bagamat hindi siya klinikal na na-diagnose, inilarawan ng aktor na ang kanyang karanasan ay “depression at its finest.”

“Ang galing nga, hindi lang halata, eh. Before kasi hindi ko siya kayang pag-usapan kasi hirap ako eh. Ayokong magpakita ng weakness,” dagdag pa niya sa panayam ng GMA Integrated News.

Sa kabila ng mga pagsubok, sinisikap ni Alden na maging aktibo sa mga bagay na dati niyang hindi nabigyan ng oras, tulad ng biking at running, na madalas niyang ibinabahagi sa social media.

“I owe it to myself. Yun yung hindi mo maproseso nang tama ‘yung pag-iisip mo. It’s very hard to be present. Kahit nandito ka, wala ka dito,” ani Alden.

Sa kasalukuyan, wala man siyang karelasyon, masaya pa rin siya sa kanyang personal na buhay. Nilinaw ng aktor na hindi kailangang may karelasyon para maging masaya ang isang tao.

“I don’t understand. ‘Di ko alam, ‘di ko gets. Bakit gano’n ang mindset natin palagi? Na ang basis ng kasiyahan ng isang tao, eh, love life. This is my story. And this is how I want my story to be told. Not based on the presumption of other people. I’m so done with that. I’ve been here long enough. I know I’ve done so much for the industry and I would like to do more for the industry right now,” pagtatapos ni Alden. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here