Home METRO Rider nabagsakan ng posteng nabangga ng SUV, todas

Rider nabagsakan ng posteng nabangga ng SUV, todas

93
0

Bulacan – Dead on the spot ang isang motorcycle rider nang mabagsakan ng posteng nabangga ng SUV driver sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Mayo 25.

Sa report, ang kalunos-lunos na biktimang rider ay isang 24-anyos, ng Camarin, Caloocan habang ang driver ng itim na SUV ay residente ng Norzagaray.

Ayon sa report, naganap ang insidente nitong Linggo ng madaling araw, Mayo 25 sa Sampol, Sapang Palay.

Base sa impormasyon, aksidenteng nabangga ng SUV driver ang posteng nakatirik sa medyo makitid na kalsada at bumagsak sa kanyang pamangking rider na naka-convoy.

Ayon sa mga awtoridad, agad rumesponde ang rescue team sa lugar para sa paunang lunas subalit napuruhan sa bandang ribs ang biktima na kanyang agarang ikinamatay.

Sa Facebook post na nag-viral tungkol dito, may netizen na nagsabing mag-tiyuhin ang mga ito at may iniwasang dalawang motorsiklo ang SUV driver kaya aksidenteng nabangga ang poste at bumagsak sa rider.

Sinasabing galing sa isang pagtitipon ang mga ito at nagkasundo ang pamilya ng biktima na hindi na ituloy ang kaso laban sa kaanak. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here