Home ENTERTAINMENT Ian, no to frontal nudity!

Ian, no to frontal nudity!

Manila, Philippines- Sa guesting ni Ian Veneracion sa Fast Talk With Boy Abunda, isang big NO ang sagot niya nang tanungin kung payag ba siyang mag-frontal nudity sa isang acting project.

Sey ni Ian, hindi raw talaga niya keri ang maghubad sa harap ng mga camera, lalo na ang pagpapakita ng private parts.

“Because hindi ako comfortable sa katawan ko. Pero the artist in me would say, ‘Of course, why not?’ But again, being me, No!” sabi ni Ian.

In fairness, kahit medyo nagkakaedad na si Ian, napakarami pa ring kinikilig at nagpapantasya sa kanya, kabilang na riyan ang mga bading at matrona.

Sey ng aktor, hindi raw siya takot na tumanda sabay turo sa kanyang bigote at balbas, “Kapag pumuti na lahat ito, feeling ko, gagayahin ko na si George Clooney o si Phil Jackson.

“I just feel it adds character. Even wrinkles,” aniya pa.

Tungkol naman sa isyu ng indecent proposal, inamin ng 49-anyos na aktor na meron din siyang natatanggap na offer, “Directly, no. Hindi diretso. Mga pahapyaw siguro pero directly wala.

“Kung sakali man, I would appreciate the honesty. I would say, ‘Thank you for being straightforward, but no.’ Kumbaga, I’m not selling that service,” sey ng aktor.

Flattered at natutuwa rin siya kapag may nagsasabing karamihan sa mga supporters niya ngayon ay mga tita, nanay at lola na.

“I’m always being teased about na my market are the titas and the lolas. I am really proud to have my army of titas and lolas behind me.

“Parang sinasabi ko, sila nga yung discerning ones, so I appreciate it. I’m really proud of them,” sabi pa ni Ian.

Samantala, inamin din ng aktor na may mga pagkakataong tumatanggi na rin siya sa mga proyektong inaalok sa kanya lalo na kapag feeling niya ay hindi bagay sa kanya ang material.

“I’m very fortunate to be in the position that I can say no, not because I have that much.

“Baligtad, e, when I reached the age of 35 or 40, I started subtracting. Before that, it was all addition. You want more cars, you want more clothes, more friends.

“So when I got to mga 40, I had to do subtraction. Bawas kaibigan, pipiliin ko lang yung mga kaibigan. Bawas damit, bawas luho, bawas lahat so I can arrive at this position.

“And I’m able to say, ‘No, I don’t want to do that. I don’t want to do this.’

“Hindi magastos na lifestyle and finding the beauty of the mundane and simple things. I made that my mantra,” paliwanag pa ni Ian. Rommel Placente