Home NATIONWIDE Mas mabigat na parusa, multa sa illegal foreign workers sa Pinas, isinusulong

Mas mabigat na parusa, multa sa illegal foreign workers sa Pinas, isinusulong

MANILA, Philippines – Isinulong ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na pabigatan ang parusa kabilang ang multa sa iligal na dayuhan sa bansa.

Ani Yamsuan, masyadong mababa ang kasalukuyang multa na P10,000 kung kaya iminungkahi niyang itaas ito sa P50,000 sa banwat taon ng kanilang pananatili sa Pilipinas at pagkabilanggo ng hanggang anim na taon.

Sa pamamagitan ng House Bill (HB) 1279 ay isinulong ng kongresista ang mahigpit na probisyon laban sa mga iligal na dayuahan kasunod ng pagkakaaresto sa may noong isang linggo sa may 37 Chinese nationals na diumano’y nagmamay-ari pa ng retail at restaurant sa Parañaque City.

“We certainly welcome foreign nationals in our country if they have valid employment permits (EPs) and if they do not compete with our equally, and at most times better, skilled workforce. But we should draw the line when it comes to foreigners who not only work here illegally, but also pose a threat to the peace and order in our communities,” giit pa ni Yamsuan sa kaniyang panukala.

Nakapaloob sa HB 1279 na ang mga dayuhan na nakakuha ng employment permit ngunit nagpasyang lumipat ng trabaho ng walang abiso mula sa Kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay dapat patawan ng P50,000 hanggang P100,000 na multa at pagkabilanggo na mula sa anim na buwan hanggang sa anim na taon.

Kapag nakumpleto na ang sentensya ay saka lamang ide-deport ang dayuhan.

Ang employer na mapatutunayang tumanggap sa non-resident foreign nationals upang magtrabaho sa bansa ay papatawan naman ng multang mula sa P100,000 hanggang P200,000.

“In all cases, the fines imposed herein shall be without prejudice to other administrative, civil or criminal liability that may incur by reason of such act or omission.”

Binigyang diin pa ni Yamsuan na kabilang sa probisyon ng panukala na tanging ang DOLE lamang ay makapag-iisyu ng EP sa mga dayuhang manggagawa lalo na sa mga rehistradong lugar o economic zones.

Idinagdag pa ng kongresista na sa ilalim ng HB 129 ay inaatasan din ang mga employers na magsumite ng listahan ng mga dayuhan sa DOLE regional director na may huridiksyon sa mga economic zones.

Kasama ni Yamsuan sa nagsulong ng panukalang ito sina Reps. LRay Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata bilang mga principal authors. Meliza Maluntag