Home NATIONWIDE 5 bagong capital ships ng PCG magpapalakas sa pagtugon sa tensyon sa...

5 bagong capital ships ng PCG magpapalakas sa pagtugon sa tensyon sa WPS – DOTR

MANILA, Philippines – Magpapalakas sa pagtugon sa tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ang limang bagong capital ships ng Philippine Coast Guard (PCG), ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Martes.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang limang 97- meter multi-rokeresponse vessels (MRRRVs) na kinuha sa ilalim ng Maritime Safety Capacity Improvement Project (MSCP) Phase 3 ay makakatulong na protektahan ang mga mangingisdang Pilipino sa exclusive economic zone (EEZ) at magpapalakas ng disaster response capability.

“These Japan-made multi-role vessels would be crucial for PCG’s strategic response to tensions at the WPS,” sabi ni Bautista.

Ang limang bagong barko ay karagdagan sa 12 Japanese-made vessels sa PCG fleet.

Kabilang dito ang BRP Teresa Magbanua at BRP Gabriela Silang– parehong 97-meyer MRRVs.

“These modern assets have been long expected. This will certainly boost the moral support of Filipinos to our frontliners,” ayon pa kay Bautista.

Ang pagpopondo sa limang barko ay nakuha sa pamamagitan ng paglagda ng loan deal sa pagitan ng DOTr, Department of Finance (DOF) at ang Japan International Cooperation Agency.

Sa nasabing kaganapan, sinabi ni DOF secretary Ralph Recto na ang sasakyang-pandagat ay makakatulong sa mabilis na paglago ng bansa.

Ipinahayag naman ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang suporta ng Japanese government sa pagpapalakas sa maritime sector ng bansa.

Sa sandaling maideliber, ang bilang na ng Japanese -made vessels sa PCG fleet ay 17.

Noong Mayo 17, nilagdaan nina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Endo ang exchange of notes para sa pagkuha ng limang sasakyang pandagat.

Bukod sa pagpopondo, sinasaklaw ng kasunduan ang pagbuo ng mga kinakailangang pasilidad para sa PCG upang mapabuti ang mga kakayahan nito sa pagtugon sa mga transnational na krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden