Home OPINION BAGONG LOVE LANGUAGE NG PAG-IBIG FUND: LAB FOR ALL

BAGONG LOVE LANGUAGE NG PAG-IBIG FUND: LAB FOR ALL

Noong ika-21 ng Mayo 2024, inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels (LPOW) sa proyektong “Lab For All” sa Subic Bay Exhibition & Convention Center.
Isang inisyatiba na pinamumunuan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang “Lab for All” na naglalayon na palawigin ang mga serbisyong medikal at mga benepisyo sa social security sa mga komunidad sa buong bansa.
Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, pumupunta ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels ng Pag-IBIG Fund sa site, na nagdadala ng mahahalagang serbisyo tulad ng membership registration, cash loan, housing loan applications, at pag-iisyu ng Pag-IBIG Lo­yalty Plus card, sa mismong sentro ng komunidad na pinagli­lingkuran nito.
Ipinahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Ma­rilene C. Acosta ang kanyang suporta sa proyektong Lab For All. “Kami ay nalulugod at patuloy lalahok sa susunod na Lab for All deployments. Ang aming LPOW ay nakahanda na magpakilos sa buong bansa. Bilang Lingkod Pag-IBIG, kami ay nakatuon sa pagtiyak na ang aming mga miyembro ay nararamdaman ang init ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng aming mga programa at serbisyo, saan man sila maaaring paglingkuran,” sabi ni Acosta.
                                 -ooOoo-
Umabot sa Php28.09 billion ang home loans na nailabas ng Pag-IBIG Fund ngayong unang tatlong buwan ng taong 2024 na pinakinabangan ng 19,817 na miyembro.
Mas mataas ito ng dalawang porsiyento kumpara sa Php27.57 billion na home loans sa kaparehas na panahon noong 2023. Ito na ang pinakamalaking home loans na nailabas ng Pag-IBIG Fund.
Ngayong 2024, target ng ahensiya na umabot sa Php140 billion ang maipauutang para sa pabahay, ang unang tatlong buwan ay katumbas ng 20 percent ng target.
Nasa Php126 billion ang kabuuang home loan release ng Pag-IBIG Fund noong 2023.
Napanatili ng Pag-IBIG Fund ang mandato nito na manguna sa home financing lalo pa’t nasa 40 percent ng total home mortgages ng bansa ay mula sa ahensiya.
Sa ilalim ng Affordable Housing Program ng Pag-IBIG Fund, ang mga kwalipikadong miyembro ay mayroong special subsidized rate na 3 percent bawat taon para sa home loans na may halagang Php580,000 para sa isang socialized subdivision pro­ject.
Hakbang ito ng ahensiya para matulungan ang mga nasa minimum-wage sector na matupad ang pangarap na pagkakaroon ng sariling tahanan.
Sa kasalukuyan ay nasa 15.58 million ang aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund.