MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng China ang United States at ang Pilipinas na tiyaking hindi target ng military cooperation ng mga ito ang anumang bansa kasunod ng pagpayag ng Washington na bumili ang Manila ng fighter jets.
Sinabi ni Guo Jiakun, spokesman para sa China’s Foreign Ministry na “whatever defense or security cooperation between the Philippines and other countries should not target any third party or harm their interest.”
Hindi rin umano ito dapat maging banta sa “regional peace and security or escalate tensions in the region,” dagdag niya.
Iginiit ni Guo ang karaniwang paninindigan ng Beijing tuwing nagkakasa ang Washington at ng bagong military cooperation.
Tanong pa niya: “Who exactly is fueling the flames? Who exactly is instigating military confrontation? Who exactly is turning Asia into a ‘powder keg?'”
Hindi umano bulag ang regional countries, dagdag ni Guo.
Inihayag ng US State Department nitong Miyerkules na binigyan nito ng “go signal” ang posibleng foreign military sale ng 20 units ng F-16 fighter jets sa Pilipinas sa halagang $5.58 bilyon o tinatayang P319 bilyon. RNT/SA