Home ENTERTAINMENT VG Marc at Aira, sinabihang mukhang mag-tatay!

VG Marc at Aira, sinabihang mukhang mag-tatay!

Manila, Philippines- Palaban din pala si Aira Lopez lalo’t nasa katwiran.

Hindi kasi pinalampas ng Sparkle artist at nobya ni Batangas Vice Governor ang isang basher na nagkomento ng ‘di maganda sa kanilang magkasintahan.

Ipinost kasi ni Aira ang video ng mga sweet moments nila ni Marc.

Inunahan na niya ang mga netizens sa pagsasabing may kamukha ang nobyo.

“Uunahan ko na kayo, sasabihin n’yo kamukha siya ni PBBM!”

Ang PBBM na tinutukoy ni Aira ay walang iba kundi si Pangulong Bongbong Marcos.

May pahabol pa si Aira na: “At least, kamukha lang!”

Na ewan kung ano ang nais niyang ipakahulugan.

Bukod-tanging isang netizen ang nambasag ng trip ni Aira.

Nagpost ito ng: “Sa biglang tingin, mukhang magtatay!”

It naturally got Aira’s goat, na sinagot niya ng: “Ikaw, hindi pa kita nakikita…pero mukha kang uod!”

Marami namang netizens ang nakiokray din, obyus na kampi sila kay Aira.

Isa nga roon ay mas matindi pa ang banat–mukha raw “human waste” ang basher! Ronnie Carrasco III