Home NATIONWIDE Ibinasurang campaign donation case vs Marcoleta ‘di bubuhayin ng Comelec

Ibinasurang campaign donation case vs Marcoleta ‘di bubuhayin ng Comelec

60
0

MANILA, Philippines – Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na buhayin ang imbestigasyon sa campaign donations na tinanggap ni Senador Rodante Marcoleta matapos maibasura ang kaso ilang buwan na ang nakalilipas.

Ang pahayag ay kasunod ng inihaing reklamo ng Office of the Deputy Ombudsman para sa plunder at three counts ng indirect bribery laban kay Marcoleta sa umano’y campaign donations sa kanya na nagkakahalaga ng P75 milyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na ang poll body ay “ready to coordinate” sa Office of the Ombudsman.

“With regard to the revival of the case, the Comelec has not thought of it yet. The poll body did not receive any Motion for Reconsideration regarding the case,” saad sa pahayag ni Garcia.

Ang imbestigasyon ng PFAD ay nag-ugat sa panayam ng Net25 noong nakaraang taon kay Marcoleta nang tanungin siya kung bakit ang expenditure sa kanyang Statement of Contribution and Expenditure (Soce) ay mas mataas kumpara sa kanyang declared assets.

Ani Marcoleta, hindi niya idineklara ang kontribusyon sa hiling ng contributors na manatiling anonymous. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here