Home NATIONWIDE Lone bettor galing Cavite wagi ng P24.1M jackpot sa Lotto 6/42

Lone bettor galing Cavite wagi ng P24.1M jackpot sa Lotto 6/42

42
0

MANILA, Philippines – Mag-uuwi ng P24.1 milyong halaga ng jackpot sa Lotto 6/42 ang solong mananaya galing Cavite.

Sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Sabado ng gabi, Mayo 23, tinamaan kasi ang 12-18-03-17-05-08 na winning number combination para sa Lotto 6/42.

Ang jackpot prize nito ay P24,158,156.53.

May nanalo rin ng P1,640,315 na jackpot sa 6D Lotto sa number combination na 1-9-3-3-1-5.

Samantala, wala namang nanalo ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 para sa number combination na 52-36-38-12-48-42 at jackpot na nagkakahalaga ng P45 milyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here