Home NATIONWIDE NBI nanawagan ng batas vs troll farms, AI deepfakes

NBI nanawagan ng batas vs troll farms, AI deepfakes

36
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Kongreso na magpasa ng batas na nagbibigay ng malinaw na legal na basehan sa mga awtoridad para panagutin ang mga sangkot o nasa likod ng troll farms sa social media, fake accounts, at AI-generated content na ginagamit para makapanloko ng publiko.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ang kasalukuyang batas ay nagbibigay-daan lamang sa ahensya para tugisin at ipahinto ang cybercrimes katulad ng scam.

“We are probably proposing a bill na gawing batas yung tungkol po dun sa pag-monitor nito eh. Kasi wala tayong specific na batas,” sinabi ni Matibag sa isang forum nitong Sabado, Mayo 23.

“We’re always hearing yung troll farms, may troll farms. Pero wala kaming legal basis or legal cover to go after troll farms.”

Ani Matibag, naipaalis ng NBI ang mga pekeng account sa pakikipagtulungan sa Meta, ngunit makakatulong aniya ang mas malinaw na batas para rito.

“So dapat it somehow should also be regulated. Actually, marami na po kaming na-takedown na mga fake accounts,” pagbabahagi ni Matibag.

“We just stopped reporting it but we’re doing it on a day-to-day basis. We have coordination already with META and they’re very supportive,” dagdag pa niya.

Naalis na ang mahigit 2,000 pekeng account mula nang manungkulan umano si Matibag sa ahensya at ang ilan sa mga nasa likod nito ay nahaharap sa mga reklamo o kasalukuyang iniimbestigahan.

“And from the time na dumating po ako sa bureau, I think we already takedown about more than 2,000 accounts na po eh na wala talagang identity, personality. And some of them are now facing charges and some of them are under investigation ano po,” sinabi ni Matibag.

Ang troll operations, aniya, ay naiiba dahil ito ay karaniwang coordinated behavior na nakadisenyong gawin ang isang source o naratibo na tila totoo, credible at katanggap-tanggap.

“Iyun naman sa troll ito yung tinatawag nating in-authenticate coordinate behavior. Parang feeling nila, may isang source sila, palalabasin parang totoo yun,” sinabi ni Matibag.

“Then makikita mo mag-spread na totoo sa social media, marami ng mag-pick up, hanggang umabot na run sa organic sa mga totoong accounts, yun na yung nagiging problema and we’re addressing it,” dagdag pa niya.

“We are in the process of procuring tools to combat this para po malabanan natin itong ganitong sistema.”

Maaari rin umanong maging bahagi ng panukala ng NBI sa Kongreso ang mga AI-generated videos at mga larawan.

“That’s the one that part of our proposal to Congress, that should be regulated, kasi it’s somehow violates also your privacy from my point of view. Maganda man o pangit yung portrayal sa iyo sa AI na ginagawa,” sinabi ni Matibag. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here