Home NATIONWIDE ICC arrest, diversionary tactics ng Palasyo vs cocaine issue ni FL Liza...

ICC arrest, diversionary tactics ng Palasyo vs cocaine issue ni FL Liza – Bato

287
0

MANILA, Philippines – Pawang diversionary tactics lamang ng Palasyo ang pagpapalutang ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) upang mailihis ang usapin kay First Lady Liza Araneta-Marcos kaugnay ng pagkamatay ng isang celebrity sa US sanhi ng aksidente sa cocaine.

Inihayag ito ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa mga akusado sa crimes against humanity na nakasampa sa ICC hinggil sa war on drugs, matapos ipalutang umano ng Palasyo ang posibleng pag-aresto sa kanya.

Kasunod ito ng ulat na ipinahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na makatatanggap si Dela Rosa ng katulad ng treatment kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling magpalabas ng warrant ang ICC hinggil sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

“Kapag may mga mainit na isyu na pinupukol sa Malacañang, ngayon pinag-uusapan na naman tungkol sa nangyari kay First Lady. Ngayon gagawa na naman sila ng isyu about the ICC and the Senator para to divert the issue, ‘yan man ang mahilig ng mga tao d’yan sa Malacañang,” aniya sa phone interview.

“Gagawa ng panibagong isyu, kahit na old issue na, rehashed issue, ay i-recycle nila para lang to divert the people’s attention. Iyan ang mahilig na nilang gawin,” dagdag niya.

Tinutukoy ni Dela Rosa ang ulat na iniuugnay kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ni negosyanteng si Paolo Tantoco.

Tahasang itinuring ni Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro ang police report na kumakalat online bilang kasinungalingan at peke.

Bilang reaksiyon naman sa pahayag ni Bersamin, sinabi ni Dela Rosa na malaya siyang gawin ang gusto ng Palasyo saka sinabing “tongue in cheek”:

“I’ll cross the bridge when the bridge is constructed,” giit ni Dela Rosa.

Ibinandila ni Dela Rosa na walang jurisdiction ang ICC sa Pilipinas at wala siyang nalalaman kung nakapagpalabas na ng warrant of arrest ang ICC laban sa kanya.

“If they want to commit the same mistake again, then go ahead. They can do that. If they want to make another mistake, ‘yung ginawa nila kay Pangulong Duterte, napakalaking mistake ‘yun. At kung gagawin na, willing to do the same mistake again, then they can do the same,” dagdag niya.

Aniya, ginagawa ang ICC statement ni Bersamin bilang pantakip sa isyu ng First Lady at para ilihis ang atensyon ng publiko.

“Kasi naman, bakit nila pag-usapan ‘yan na matagal naman na issue ‘yan, na nabibingi ang tao sa kakaulit-ulit ng issue na ‘yan, wala pa rin naman palang warrant na sinasabi nila, if lang naman daw,” ayon sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at chief implementer ng war on drugs.

Sa panahon ng war on drugs ng nakaraang administrasyong Duterte, umaabot sa mahigit 30,000 ang napatay ng Oplan Tokhang, ayon sa ilang independent human rights organizations.

“So, para mapag-usapan na naman, ma-divert na naman ang issue palayo sa kinasasangkutan ni First Lady. Meron naman silang gustong pag-usapan ng taumbayan,” aniya.

Ayaw banggitin ni Dela Rosa ang kanyang plano sakaling mayroong warrant of arrest kundi sinabing hihingi siya ng tulong kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, na magtago sa Senado.

“If you are facing a government that is not observing, is not trying to preserve its sovereignty, then I don’t have to answer that question,” aniya.

“Kung meron akong preparations, why do I have to tell you? The preparation is mine alone,” dagdag niya.

(Ernie Reyes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here