Home NATIONWIDE ICC case nina Sen. Go at Dela Rosa, tatalakayin sa Senate Caucus

ICC case nina Sen. Go at Dela Rosa, tatalakayin sa Senate Caucus

182
0

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng caucus ang Senado upang talakayin ang hakbang ng International Criminal Court (ICC) na pagtukoy kina Senators Christopher Lawrence “Bong” Go at Ronald “Bato” dela Rosa bilang umano’y co-perpetrators sa mga pagpatay kaugnay ng anti-drug campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam sa telebisyon noong Martes, sinabi ni Sen. Bam Aquino na tatalakayin muna ito sa loob ng Senado habang hinihintay ang pormal na aksyon ng ICC.

“Pag-uusapan po naming yan bukas, magko-caucus yata kami. Pero unang-una hintayin po muna siguro natin yung pormal na deklarasyon ng ICC sa February 23 kung ano ba talaga yung andiyan,” ani Aquino.

Iginiit din ni Aquino na mas mainam na litisin sa mga korte sa Pilipinas ang mga kasong may kinalaman sa umano’y extrajudicial killings, ngunit sinabi niyang iginagalang niya ang kasalukuyang legal na proseso sa ICC.

Nakatakdang magsimula ang confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Duterte sa Pebrero 23, na susundan pa ng mga pagdinig sa Pebrero 24, 26, at 27. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here