Home NATIONWIDE Papel sa pag-aresto kay Zaldy Co, nilinaw ng DFA

Papel sa pag-aresto kay Zaldy Co, nilinaw ng DFA

139
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang pag-aresto at pagpapauwi sa bansa kay dating mambabatas Zaldy Co ay nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at hindi lamang nakasalalay sa DFA.

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na kabilang sa proseso ang koordinasyon sa law enforcement at judicial authorities, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa International Criminal Police Organization (Interpol).

“While the DFA values the DILG’s collaboration, the DFA clarifies that Mr. Co’s arrest and repatriation involve coordinated law enforcement and judicial processes, particularly Interpol (International Criminal Police Organization) coordination,” ayon sa DFA.

Dagdag nito, hindi sapat na ilarawan ang usapin bilang responsibilidad lamang ng DFA dahil nangangailangan ito ng inter-agency coordination, kabilang ang Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, at Philippine National Police.

Muling iginiit ng DFA ang pangako nitong tiyakin na ang mga Pilipinong may kinakaharap na pananagutang legal ay maibabalik sa bansa alinsunod sa due process.

“We urge the public to share any information on Mr. Co’s whereabouts to support these efforts,” ayon sa DFA.

“DFA stands ready to provide diplomatic assistance within its mandate and in line with established protocols,” dagdag nito.

Nauna nang nagsagawa ng hakbang ang mga awtoridad upang matukoy ang kinaroroonan ni Co matapos ang mga ulat na umalis siya ng bansa. Maaaring mangailangan ang proseso ng international coordination, kabilang ang Interpol, alinsunod sa mga batas at judicial procedures ng bansang kanyang kinaroroonan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here