Manila, Philippines- Nais isapelikula ni Ice Seguerra ang kanyang life story na may titulong “Trans Fatherhood.”
Na-inspire si Ice na gawin ang “Tans Fatherhood” sa kwento ng buhay ng transman na si Jesi Corcuera.
Ayon kay Ice, “It’s a story about, basically, our story. A story about this person who’s going to a transition and at the same time, finding how it is to be in a designated father role.”
Mas feel ni Ice na idirek ang movie kesa siya ang maging bida sa “Trans Fatherhood.” Gusto raw kasi takaga ni Ice na ma-experience ang makapag-direk ng pelikula.
“Gusto namin si Elliot Page. Dating Ellen Page,” sabi ni Ice.
Ang dating si Ellen Page ay nag-underwent ng malaking transformation noong December 1, 2020. From there, nakilala na siya bilang si Eliot Page.
Si Ice ang magdi-direk ng pelikula at ang partner niya na si Liza Diño ang magsusulat ng kwento. May participation din daw dito ang unica hija nila na si Amara.
So, it’s a family collaboration na wini-wish nila na matuloy.
“Hindi pa siya next year, definitely. But, baka….kasi we need to present a short para makita rin nila, ng mga possible investors ‘yung look. We might do that first,” lahad ni Ice.
Dugtong pa niya, “International filmfests? If we can, definitely. Parang ang goal namin maging okay sya for festival but at the same time magkaroon din siya ng theatrical na route na maging okay siya for commercial release rin. Hindi lang sa festival.”
And speaking of “fatherhood,” nag-follow up kami kay Ice sa mga naka-freeze niya na “eggs.”
Nandoon pa rin daw ang limang “eggs” ni Ice. Safe naman daw yun hanggang sa mag-decide sila na magka-baby ni Liza.
As long as nandoon ang eggs, tuluy-tuloy din ang pagbabayad nila. Kaya kasama sa binabayaran nila ang pagpapa-freeze ng eggs niya.
Medyo nagkakaroon si Ice ng second thoughts sa pagtuloy ng plano nila ni Liza to have a baby.
Aminado si Ice na nagkaka-edad na rin siya. Ice is 41 years old already. And by the time na magka-baby sila ni Liza, mahina na siya para mag-alaga ng anak.
Plus, parehong super busy na sila ni Liza. Patuloy na lumalaki rin ang kanilang Fire & Ice production.
Gaya na lang na matagumpay na
concert ni Ice, ang “Ice Seguerra’s ‘Videoke Hits: OPM Edition.”
Naka-ilang repeat din ang konsyertong ito ni Ice. At ang huling date na nadagdag, so far, ay sa November 8, 2024, at the Music Museum.
This is the third edition of Seguerra’s immersive Videoke Hits concert series which will once again celebrate iconic OPM (Original Pilipino Music) hits.
Special ang concert na ‘to ni Ice dahil may participation ang audience at mae-experience mag-karaoke with the excitement of a live concert.
Pahayag ni Ice, “Nakakatuwa itong videoke. Nagsimula ito nu’ng 2016. Pero parang, basta earlier on pa.
“Nakita ko nu’ng lumabas sa Facebook ko, ang FB post ko, ang simula niyang concept ay kakanta lang ako ng videoke songs. Tapos ire-rearrange lang my way, how I sing it.
“Pero ang ganda talaga ng dinagdag ni Liza na element na talagang siya ang nakaisip. Sabi ni Liza, ‘Let’s involve the audience.’
“Kasi for me, ‘yun yung naging magic ng show eh. Kung walang ganoon, it’s just another show na kumakanta lang ako ng mga songs na nasa videoke.
“Pero eto, dahil may audience element, it’s a big element. Suddenly, it became so different.”
Kabilang sa highlights ng “Ice Seguerra’s ‘Videoke Hits: OPM Edition” ay ang SB19’s viral hit “Gento” and Ice’s much-talked-about dance performance to BINI’s “Salamin-Salamin.” Julie Bonifacio