Home NATIONWIDE ICI chairman: Alam namin kung sino nagsisinungaling o hindi

ICI chairman: Alam namin kung sino nagsisinungaling o hindi

210
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), kaya nilang malaman kung nagsasabi ng totoo ang isang tao o hindi, sinabi ni ICI chairman at retired Supreme Court (SC) associate justice Andres Reyes Jr. na kaya nilang i-verify ang impormasyong ibinibigay ng mga resource person sa kanilang mga pagdinig.

Hindi tulad sa karaniwang paglilitis sa korte, halos walang cross-examination ng mga resource person sa isang pagdinig ng ICI dahil sa kawalan ng prosekusyon at depensa.

Ang mga miyembro ng ICI—batay sa mga kamakailang livestreamed na pagdinig nito—ay nagtatanong lang tungkol sa mga paratang, mga prosesong gusto nilang malaman, at ginigisa ang resource person kapag may hindi pagkakapare-pareho sa kanyang testimonya.

“We can see a witness if he’s lying or not. Makikita mo sa body language… There are a lot of things that you can decipher in a person from his own body language, from his face,” ayon kay Reyes.

“That’s what i’ve been trained as a prosecutor for nine years,” dagdag niya.

Pero nilinaw ni Reyes na kanya lang iyon “personal evaluation”.

“If they are afraid they are always looking around. Maraming bagay eh,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here