Home Uncategorized ICI WALA NANG KREDIBILIDAD, PATAY NA- REP ERICE

ICI WALA NANG KREDIBILIDAD, PATAY NA- REP ERICE

284
0

MAKARAANG magbitiw si ex-Department of Public Works and Highways secretary Babes Singson bilang commissioner ng Independent Commission for Infrastructure, mabilis na tinuran ng batikang mambabatas ng Caloocan City, si Representative Egay Erice, na tapos na, as in patay na ito (ICI) lalo’t wala na raw itong kredibilidad.

Sa isang television program, sinabi nito na dismayado umano itong si Singson dahil sa limitadong kapangyarihan ng ICI na usigin at pananagutin ang mga sangkot sa matinding korapsyon lalo na sa flood control projects.

Bukod pa rito, ayon pa rin kay Cong. Egay, ay tila napag-isip-isip na rin daw nitong si Singson na bakit kailangang ilagay n’ya sa panganib ang kanyang buhay at pamilya para lamang maging ‘tagalinis’ ng Malacañang.

“Wala na, patay na ang ICI, wala nang credibility ‘yan,” ayon kay Erice na senior deputy minority leader sa Mababang Kapulungan.

“Parang ang nangyayari, sila ‘yung tagahanap kung sino ‘yung nagnakaw sa gobyerno. Pagkatapos, kulang sa suporta,” saad pa nito sa nasabing TV program.

Aminado rin naman si Singson na sadyang hindi magiging epektibo sa pag-usig ang ICI dahil aniya ito ay walang sapat na kapangyarihan pati pondo.

“The ICI cannot solve the flood control scam on its own.”

“Sa dyaryo lang sinasabi na may pondong P41-million na nilagay ang Palasyo pero wala pang dumarating sa ICI,” ani Singson pero hindi siya kumbinsido na patay na ito at wala nang kredibilidad.

Tunay na wala nang saysay o gamit ang ICI dahil hind nga raw nito magawang ipatawag ang pwedeng vital witnesses tulad ng mga nag-resign na sina executive secretary Lucas Bersamin, Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na dinawit ni ex-congressman Zaldy Co, ayon pa kay Erice.

Matatandaang isa siya sa nag-file ng bill upang mabigyan ng sapat na kapangyarihan at awtonomiya ang ICI, malayo sa kasalukuyang istraktura nito na minadali lang ng Palasyo kaya ito’y depektibo.

“This House is on fire”

“Nasusunog ang ating bahay. This House is on fire at tayo mismo ang nagsindi ng apoy na ito,” banat ng beteranong mambabatas kamakailan sa kanyang privilege speech.

Dito kanyang binunyag ang umano’y ₱1.45 trilyong insertions at diversions sa pambansang budget – isang sistematikong pandarambong na nagpalubog sa tiwala ng mamamayan.

Nanawagan siya ng malalim na reporma laban sa korapsyon, pagwawakas ng political dynasties, at pagsasabatas ng Anti-Dynasty Law, Election Campaign Finance Reform at Anti-Turncoatism Bill.

“Hindi na pwede ang business as usual. Linisin natin ang ating hanay bago tuluyang lamunin ng apoy ang ating institusyon – at ang tiwala ng taumbayan,” dagdag pa niya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here