Home ENTERTAINMENT Igan, bumanat sa mga bastos na govt official!

Igan, bumanat sa mga bastos na govt official!

161
0

Manila, Philippines – Mainit sa mata ngayon lalo na ang may mga katungkulan sa gobyerno na walang respeto sa mga kababaihan.

Women’s Month kasi ang Marso.

Bale ba, hindi nagpaawat si Arnold Clavio na nirerespeto sa larangan ng pamamahayag.

Kumbaga, nangunguna siya in upholding women’s rights kung paanong he is expected to be fair in delivering the news to the public.

Stand ni Igan patungkol sa mga opisyal ng pamahalaan who are disrespectful to women: “Hindi na dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga katulad nila sa gobyerno na walang respeto sa kababaihan!”

Dagdag niya: “Bakit sila naglipana? Dahil natatawa pa tayo sa kanilang pagyayabang at papansin na mga kabastusan!”

Wala daw puwang ang mga “predator” na ito lalo na sa gobyerno.

“Dapat extinct na sila!” mariing saad ni lgan.

Obyus na ang pinanggagalingan ng reaksyon ni Arnold ay ang kasong sangkot si QC Rep. Jesus “Bong” Suntay at ang umano’y pangmamanyak niya kay Anne Curtis. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here