Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng Pinas posibleng ulanin sa LPA

Ilang bahagi ng Pinas posibleng ulanin sa LPA

249
0

MANILA, Philippines- Iniulat ng weather bureau PAGASA nitong Sabado ng umaga na mayroon pa ring “medium” chance na maging tropical depression ang low pressure sa Catanduanes coast.

Hanggang alas-3 ng madaling araw, namataan ang LPA 240 kilometers sa silangan ng Virac, Catanduanes, inaasahang magduduot ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Aurora, at Quezon.

Maaapektuhan naman ang Metro Manila, MIMAROPA, Ilocos Region, natitirang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, Visayas, at Mindanao ng Southwest Monsoon (Habagat).

Nakaamba ang localized thunderstorms sa natitirang bahagi ng Luzon.

Makararanas ang buong bansa ng light to moderate winds at slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw sa Metro Manila ng alas-5:26 ng umaga at lulubog ng alas-6:24 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here