MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Water ng pansamantalang pagkawala ng tubig sa ilang bahagi ng Rizal Province mula Pebrero 19 hanggang 22 dahil sa mga maintenance activity.
Sa Angono, mawawalan ng tubig ang Barangay San Isidro mula 10 p.m. ng Pebrero 19 hanggang 4 a.m. ng Pebrero 20 para sa step testing. Sa Taytay, Barangay Muzon at ilang bahagi ng Binangonan, kabilang ang Tayuman at Barangay San Carlos, ay mawawalan ng tubig mula 4 a.m. ng Pebrero 19 hanggang 4 a.m. ng Pebrero 20.
Sa Antipolo City, maaapektuhan ang Barangay San Roque hanggang 5 a.m. ng Pebrero 20 dahil sa leak repair sa Marville 2. Sa Pebrero 20 mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. kinabukasan, magkakaroon ng water interruption sa Barangay San Jose sa Rodriguez at Barangay San Isidro sa Antipolo dahil sa maintenance ng linya ng tubig.
Sa Pebrero 21, mula hatinggabi hanggang 4 a.m., maaapektuhan ang Barangay Dolores sa Taytay. Sa Pebrero 22, mula 10 p.m. hanggang 4 a.m., mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay San Juan sa Binangonan dahil sa maintenance works. RNT