Home TOP STORIES Ilang bahay sa Venezuela nasira sa pag-atake ng US

Ilang bahay sa Venezuela nasira sa pag-atake ng US

290
0

VENEZUELA – Nasira o nawasak ang ilang bahay sa Catia La Mar, malapit sa Caracas, sa operasyon ng militar ng U.S. na kumidnap kay Pangulong Nicolas Maduro, ayon sa mga residente.

Walang opisyal na bilang ng nasawi, pero iniulat na may namatay sa La Guaira, Caracas, at kalapit na estado ng Miranda at Aragua.

Ilang residente ang nagising sa malalakas na pagsabog.

Nasira ang bubong ng isang apartment ng isang residente at nagpasalamat na lamang na nakaligtas sila ng kaniyang mga anak. “It’s sheer luck they didn’t kill my kids.”

Isa namang residente ang nakakita ng shrapnel damage sa kanyang pader at tangke ng tubig, ngunit nanatiling buo ang kanyang bahay. “We really didn’t know what to do… We’re alive by a miracle,” sabi niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here