MANILA, Philippines – NAKATAKDANG isara sa mga motorista ang ilang kalsada sa lungsod ng Caloocan mula Nobyembre 7, Huwebes, hanggang Nobyembre 9, Sabado, upang bigyang-daan ang isang libreng konsiyerto na “ Musikankaloo”.
Ayon kay Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan, ang mga sumusunod na kalsada gaya ng 10th Avenue sa bahagi ng 9th St., ay isasara mula alas-9:00 ng gabi sa Huwebes hanggang alas 2 ng madaling-araw ng Sabado.
Sa kabila nito, nagpalabas naman ng mga alternatibong ruta ang lokal na pamahalaan para sa mga motorista gaya ng C-3 Road bago at habang idinadaos ang nasabing konsiyerto.
Anila, ang mga motoristang manggagaling mula sa C-3 patungong Caloocan City Hall ay dapat na kumanan sa 9th street, kaliwa sa 7th Avenue, kanan sa 7th Street, kanan sa 10th Avenue, at pagkatapos ay kanan sa 8th Street.
Habang ang mga motorist naman na magmumula sa C-3 5th Avenue patunong city hall ay pinapayuhan na kumaliwa na sa 5th Street, kanan sa 10th Avenue at kanan sa 8th Street.
Samantala, ang mga mula sa EDSA na pupunta sa city hall ay dumiretso na lamang sa 8th street.
Sa mga nais makapanuod ng nasabing konsiyerto, ipagkakaloob ito ng libre.
Gaganapin ito sa Nobyembre 8, Biyernes, ng ika-7 ng gabi., sa tabi ng Caloocan City Hall-South sa Grace Park.
Kabilang sa mga magtatangghal sa konsiyerto ay ang tanyag na sina Bamboo, Ivana Alawi,, Barbie Almalbis, at Mayonnaise. (Merly Duero)