MANILA, Philippines – Sa botong 186 pabor, 7 tutol at 4 na hindi bumoto, aprubado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10926 na magbibigay ng 25 taon pang prangkisa sa Manila Electric Company (Meralco).
Ang kasalukuyang prangkisa ng Meralco ay nakatakdang mapaso.
Nakapaloob sa panukala ang probisyon na naglalayong protektahan ang mga consumer sa pamamagitan ng pagestablisa ng isang platform na hahawak ng lahat ng consumer complaints.
Sa panahon na mayroong digmaan, rebellion, public, peril, calamity, emergency o disaster, nakapaloob sa panukala na may kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na pansamantalang itake over ang Meralco o suspendihin ang operasyon nito parabsa interest at kaligtasan ng publiko.
Sakop ng prangkisa ng Meralco ang Metro Manila, Cavite, Rizal, Bulacan, Batangas, Laguna, Quezon at Pampanga.
Ikinatuwa naman ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagpapalawig pa sa prangkisa ng Meralco, aniya, hindi matatawaran ang service reliability at malaking impact ng Meralco sa economic growth ng bansa.
“Meralco is an exemplar of how service reliability can create economic growth and development,” ani Salceda.
Pinuri ni Salceda ang paglalaan ng Meralco ng P220 billion investments para maisaayos systems losses at system interruptions gayundin ang pagtugon sa consumer refunds.
Positibo si Salceda na agad din maipapasa sa Senado ang franchise renewal ng Meralco.