IPINAAALAM ng Civil Service Commission (CSC) ang opisyal na kalendaryo ng mga isasagawang eksaminasyon para sa serbisyo sibil sa taong 2025.
Magsasagawa ang komisyon ng apat na uri ng pagsusulit sa pamamagitan ng “pen and paper test” (PPT) para sa mga nagnanais na makakuha ng civil service eligibility (CSE):
● CSE for Foreign Service Officer sa January 26, 2025;
● CSE PPT para sa Professional at Subprofessional Levels sa March 2, 2025 at August 10, 2025;
● Basic Competency on Local Treasury Examination (BCLTE) sa June 1, 2025.
Ang panahon ng aplikasyon para sa March 2, 2024 CSE-PPT ay nakatakda mula November 19, 2024 hanggang January 3, 2025.
Habang ang pagtanggap ng aplikasyon para sa huling takdang CSE-PPT sa 2025 ay mula May 12, 2025 hanggang June 11, 2025.
Pinapayuhan ng CSC ang mga aplikante na limitado lamang ang bilang ng aplikasyon na tatanggapin ng mga CSC Regional Offices (ROs) at Field Offices (FOs) mula December 16, 2024 hanggang December 27, 2024 upang mabigyang-daan ang paghahanda at pagsusumite ng mga year end reports at project evaluation reports, at iba pa.
Ang paghahain ng aplikasyon para sa BCLTE ay mula March 3, 2024 hanggang April 2, 2025.
Samantala, ang panahon ng aplikasyon para sa CSE-FSO sa mga satellite office ng Department of Foreign Affairs, consular offices, at Foreign Service posts ay nagtapos na.
Maglalabas ang komisyon ng hiwalay na mga anunsyo ng pagsusulit tatlong linggo bago ang simula ng bawat panahon ng aplikasyon maliban sa CSE-FSO.
Ang mga anunsyo, na ipo-post sa website ng CSC, ay maglalaman ng impormasyon tungkol sa mga testing center, mga kwalipikasyon at admission requirement, mga kailangan sa aplikasyon, saklaw ng pagsusulit, passing grades, at magiging civil service eligibility.
Maaaring maglabas din ng kani-kanilang supplemental announcements o advisories ang mga CSC ROs at/o FOs na may kaugnayan sa pagsusulit.
Inanunsyo rin ng CSC na ang DFA – Board of Foreign Service Examinations ay naglabas na ng anunsyo ng pagsusulit para sa CSE-FSO sa DFA website.
Ang anunsyo ay makikita rin sa CSC website sa ilalim ng BFSE Announcement 2025 FSOE.
Hinihikayat ang mga aplikante na bisitahin lamang ang opisyal na website ng CSC at Facebook page na www.facebook.com/civilservicegovph. Hindi kinikilala ng CSC at hindi mananagot para sa anomang impormasyong naka-post sa ibang mga mapagkukunan na hindi pagmamay-ari o pinamamahalaan ng ahensya.
Pinaalalahanan din ng CSC ang publiko laban sa pekeng advisories at emails na kumakalat online, at pinapaalalahanan ang mga stakeholder na i-verify ang pagiging totoo ng anomang komunikasyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga opisyal na contact details na makikita sa website ng komisyon.