Home METRO Ilang kalsada sa Maynila, isasara sa Hunyo 21 sa PRIDE Run

Ilang kalsada sa Maynila, isasara sa Hunyo 21 sa PRIDE Run

3
0

MANILA, Philippines – Ilang kalsada sa Maynila ang isasara sa mga motorista upang bigyang-daan ang UP Marathon at PRIDE RUN sa Linggo, Hunyo 21, 2026.

Sa abiso ng Manila Police District (MPD), ganap na alas-1:00 ng madaling araw ay sarado na ang mga sumusunod na kalsada sa lungsod:

Partikular na isasara ang:

-Northbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Quirino Ave.

-Southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive papuntang P. Ocampo.

-Kahabaan ng Katigbak Drive, South Drive at Independence Rd.

-Westbound lane ng P. Burgos Ave. mula Victoria St. patungong Finance Rd.

-Westbound lane ng T.M. Kalaw Ave. mula M.H. Del Pilar St. hanggang Roxas Blvd.

-Westbound lane ng Pres. Quirino Ave. mula M.H. Del Pilar St. papuntang Roxas Blvd.

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala sa biyahe. Ang pagbubukas naman ng mga kalsada ay dedepende sa pagtatapos ng aktibidad at sa magiging lagay ng trapiko.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here