MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Maynila sa nitong weekend dahil sa ASICS Rock ‘n’ Roll Running Series, ayon sa pamahalaang lungsod ng Maynila.
Sa public advisory, sa social media page ng Manila Public Information Office, at ayon na rin sa Manila Traffic and Enforcement Unit ng MPD, inanunsyo na isasara ang mga apektadong kalsada simula alas-9 ng gabi sa Nob. 23 hanggang 6 ng umaga sa Nob. 24.
Ang mga pagsasara ay bahagi ng paghahanda para sa popular marathon event, na inaasahang bubuhos ang mga kalahok at manonood sa lansangan ng lungsod.
Ang mga sumusunod na kalsada ay sarado sa nasabing oras:
*Roxas Blvd. (mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue)
*Bonifacio Drive (mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive)
*Katigbak Drive at South Drive Independence Road
*Padre Burgos Avenue (mula Roxas Blvd. hanggang Jones Bridge, tuloy-tuloy hanggang Quintin Paredes cor. Ongpin Street)
*Maria Orosa Street (mula Padre Burgos hanggang Kalaw Avenue)
*Finance Road (mula Padre Burgos Ave hanggang Taft Avenue)
*Northbound lane of Taft Avenue (mula Ayala Boulevard hanggang Padre Burgos Avenue)
*Muralla Street (mula Sta. Lucia hanggang A. Soriano Avenue)
Real Street (mula Muralla Street hanggang Sta. Lucia Street)
Sta. Lucia Street (mula Real Street hanggang Muralla Street)
Hinimok naman ang mga motorista na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta:
*Northbound lane ng Taft Avenue: Ang mga sasakyang nagnanais na gumamit ng Padre Burgos Avenue ay dapat kumanan sa Ayala Boulevard.
*Maria Orosa Street: Dapat kumanan ang mga sasakyan sa Kalaw Avenue, pagkatapos ay tumuloy sa Taft Avenue.
*A. Mabini Street: Dapat kumanan ang mga motorista sa Kalaw Avenue, pagkatapos ay magtungo sa Taft Avenue.
*Northbound ng Roxas Blvd. (Pasay Area): Dapat kumanan ang mga sasakyan sa P. Ocampo Street.
Delpan Bridge: Kumaliwa ang mga sasakyan sa A. Soriano Avenue at magpatuloy sa Magallanes Drive. Ang mga track at trailer na bumibiyahe pahilaga mula OsmeƱa Highway hanggang Mel Lopez Boulevard (Pier Area) ay dapat kumanan sa Pres. Quirino Avenue at tumuloy sa Mabini Bridge.
Mula sa Juan Luna Street (naglalayong gamitin ang Jones Bridge) ay dapat kumaliwa o kumanan ang mga sasakyan sa Muelle dela Industria.
Ang mga mabibigat na sasakyan o track mula sa Mel Lopez Blvd. (R-10) ay dapat kumaliwa sa Capulong Street, magpatuloy sa Yuseco Street, at pagkatapos ay Lacson Avenue.
Hinihimok ng Manila LGu ang mga motorista na planuhin ang kanilang mga ruta nang maaga at sundin ang mga advisories sa trapiko upang matiyak ang maayos na biyahe sa panahon ng kaganapan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)