Home NATIONWIDE Pekeng abogado inaresto sa loob ng korte

Pekeng abogado inaresto sa loob ng korte

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob ng Korte ang isang lalaki na nagpanggap umano na abogado.

Ayon sa NBI-Special Task Force , ginagamit ng suspek ang pangalan ni Atty. Epafrodito Nollora na matagal ng patay.

Sinabi ni NBI-STF Executive Officer Marlon Marcelo na nagduda ang piskalya sa dokumento na isinumite ng suspek sa Korte na hindi tugma.

Dahil dito, inusisa ang suspek at nalaman na gumagamit pala ito ng pangalan ng ibang abogado upang makakuha ng kliyente.

Pinatunayan din ng Korte Suprema na patay na ang totoong abogado na si Nollora.

May kahalintulad na rin umanong kaso na kinakaharap ang suspek at maari siyang nakapag-bail kaya malaya ito sa pagpapanggap bilang abogado.

Kulong sa kasong usurpation of authority ang suspek .

Hinimok naman ng NBI at IBP ang naging kliyente ng suspek na makipag-ugnayan sa kanilang opisina. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)