Home METRO Ilang kalsada sa NCR sarado sa mga motorista mula Hunyo 14 ‘gang...

Ilang kalsada sa NCR sarado sa mga motorista mula Hunyo 14 ‘gang 17

MANILA, Philippines- Ilang daan sa Metro Manila ang sarado upang bigyang-daan ang pagkukumpuni, mula Hunyo 14 hanggang 17.

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sarado ang sumusunod na mga kalsada mula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Hunyo 14, hanggang alas-5 ng umaga sa Hunyo 17, Lunes.

  • EDSA (SB), malapit sa L. Woods St., outer lane, Pasay City

  • EDSA (SB), MRT Ortigas Station (outer lane) corner Boni Ave. (2nd lane), Pasay City

  • Taft Avenue, Quirino Ave. hanggang MRT Baclaran (outer lane), Parañaque City

  • Tandang Sora, Tierra Pura Homes hanggang New Era School, Quezon City

  • Congressional Ave., Ext., sa pagitan ng Tandang Sora Ave. at Visayas Ave., Quezon City

  • Regalado Ave., patungong North Caloocan, Quezon City

  • Tandang Sora Ave., Quezon City

  • Quirino Highway, Quezon City

  • Congressional Ave. Ext., Quezon City

  • North Ave., bago sumapit ang Senador Mirriam P. Defensor- Santiago Ave., 3rd lane mula sidewalk, Quezon City

  • Congressional Ave. Ext., harap ng Zevron, truck lane, Quezon City

  • Mindanao Ave., Road 8 hanggang Petron, 2nd lane mula sa sidewalk, Quezon City

  • Mindanao Ave., harap ng Pizza Hut, 4th lane mula sa Center Island, Quezon City

  • Congressional Ave. Ext., paglampas ng Violago Homes, truck lane, Quezon City

  • Sgt. Rivera, corner Skyway bypass road hanggang A. Bonifacio Ave. 1st lane mula sa sidewalk, Quezon City

  • A. Bonifacio Ave., 5th Avenue hanggang Cloverleaf Interchange EDSA, 2nd lane mula sa sidewalk

  • Quirino Highway, Sagitarius St. hanggang corner Mindanao Ave., 2nd lane mula sa sidewalk, Quezon City

  • Quirino Highway, Baesa Cemetery hanggang Masagana at Mendez Road hanggang Baesa Road, 1st lane mula sa sidewalk, Quezon City

  • Commonwealth Ave., Luzon Ave. hanggang Central Ave., 1st lane mula sa sidewalk, Quezon City

Ayon sa DPWH, madaraanan ang mga apektadong kalsada pagsapit ng Lunes, na idineklarang regular holiday bilang paggunita sa Eid’l Adha, isa sa dalawang major Muslim holidays.

Pinayuhan ng gobyerno ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta. RNT/SA