Home NATIONWIDE Ilang Pinoy nakilahok sa ‘No Kings’ nationwide protest sa US vs Trump

Ilang Pinoy nakilahok sa ‘No Kings’ nationwide protest sa US vs Trump

NEW YORK – Kasabay ng military parade ni President Donald Trump sa Washington, DC, milyon-milyong raliyista sa 50 estado sa America ang nakiisa sa tinawag ng organizers na pinakamalaking coordinated action laban sa kanyang administrasyon.

Tinawag ang mga kilos-protesta na “No Kings,” pinangunahan ng 50501 Movement, nangangahulugang 50 States, 50 Protests, One Movement.

Nilalayon ng mga kilos-protesta na kondenahin ang tinukoy nilang authoritarian policies ng Trump administration.

Nagtipon ang mga raliyista sa major cities at maliliit na bayan, binigyang-diin ang nakikita nilang banta sa demokrasya, labis na executive power, at umiiral na panggigipit sa immigrants.

Sa New York City, tinataya ng New York Police Department (NYPD) na nasa 50,000 ang nakilahok sa mga rally sa iba’t ibang parte ng siyudad.

Batay sa NYPD, mapayapa ang mga demonstrasyon, kung saan walang naitalang pag-aresto sa “No Kings” protests.

Nakiisa rin ang mga miyembro ng Filipino at Filipino American communities sa pagsuporta sa kanilang mga kababayan na nasa kustodiya ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) detention facilities. RNT/SA