Manila, Philippines – Like grandfather, like father, like son.
Ito ang maaaring ilarawan kay Grae Fernandez, apo ni Rudy Fernandez at anak ni Mark Anthony Fernandez.
Tunay ngang thespic blood runs in his veins.
On Instagram, finlex ni Grae ang snapshot nila ng kanyang inang si Melissa Garcia while holding his certificate of completion from his two-year drama course at the Stella Adler Studio of Acting in New York.
Taong 2022 nang magpahinga muna sa showbiz si Grae para bigyan daan ang kanyang pag-aaral ng acting.
In 2023, naging bahagi siya ng teleseryeng Senior High ng ABS-CBN.
His much bigger acting break came in Pamilya Sagrado.
Ang dahilan kung bakit tinanggap ni
Grae ang proyektong ‘yon when pitched to him ay dahil nasa lead cast si Piolo Pascual.
Si Grae ay apo rin ni Alma Moreno.
Isa si Iza Calzado sa mga nag-congratulate kay Grae sa pagtatapos nito. Ronnie Carrasco III