Home METRO Illegal recruiter na nakakulong na, may warrant of arrest pa sa mas...

Illegal recruiter na nakakulong na, may warrant of arrest pa sa mas mabigat na kaso

MANILA, Philippines – ISANG hinihinalang illegal recruiter na kasalukuyang nakakulong na, iniisyuhan pa ng warrant of arrest dahil sa kaso ng paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act kahapon sa Caloocan City.

Una nang nadakip ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles si alyas Roderick dahil sa patung-patong na kasong illegal recruitment matapos ireklamo ng kanyang mga nabiktima.

Habang nakapiit sa Caloocan police station, isa pang warrant of arrest galing kay Quezon City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Catherine Monodon ng Branch 104 ang isinilbi laban kay alyas Roderick para sa kasong syndicated illegal recruitment sa ilalim ng RA 8042.

Ayon kay NPD Director P/BGen. Josefino Ligan, isinilbi ng kapulisan ang warrant of arrest gamit ang alternative recording device (ARD) alinsunod na rin sa umiiral na panuntunang ipinatutupad ng Korte Suprema para sa wastong paghahain ng warrant of arrest ng pulisya sa sinumang akusado. Merly Duero