Home NATIONWIDE Imbestigasyon ng CHR sa ‘strip search’ sa mga babaeng bisita sa Bilibid...

Imbestigasyon ng CHR sa ‘strip search’ sa mga babaeng bisita sa Bilibid umarangkada

140
0

MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon ukol sa naging paglabag sa isinagawang “strip searches” sa bisita ng persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

“Just like everybody else, we want to ferret out the truth,” ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa isang kalatas.

Sinabi ng BuCor na ang team ng CHR investigators na armado ng mission order na nilagdaan ni Human Rights Protection Cluster Director IV Jasmin Navarro Regino ay dumating nitong araw ng Lunes sa NBP.

“The CHR investigators are lawyer Rommel Tinga, Special Investigatigator (SI) III Michele Tuliao, SI III Mays Sylvette Rojas, and SI II Ma. Milanie Arao,” ayon sa BuCor.

Sinasabi pa na iimbestigahan ng team ang reklamo ng mga asawa ng PDLs na nakaranas ng “humiliating, degrading, and traumatic” strip searches noong Abril 21. Naghain naman ang mga asawa ng kanilang reklamo sa CHR.

Sa kabilang dako, bago pa simulan ang imbestigasyon, nagbigay na ang BuCor sa kanilang mga imbestigador ng “briefing and simulation of the strip cavity search to give them an idea on how visitations are conducted inside the NBP to maintain peace and order,” ayon dito.

Sinabi pa nito na binigyan ng kanilang mga tauhan ang CHR probers ng “tour at the NBP’s Maximum Camp, including the conjugal facilities and the park for PDL visitors and their children,” dagdag na wika nito.

Nagpalabas ang CHR investigators ng subpoena sa mga female personnel na sangkot sa “assailed incident” umagsumite ng kanilang sworn statements.

Nauna rito, pitong babaeng correction officers o prison guards ng Bureau of Corrections ang sinibak sa pwesto upang bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon sa “strip cavity search” na ipinatu­tupad sa New Bilibid Pri­son (NBP) na inireklamo ng dalawang asawa ng political prisoners sa Commission on Human Rights.

Ito’y kasunod ng utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. hinggil sa nasabing protocol na ipinatutupad sa lahat ng pasilidad ng kulungan at penal farm sa bansa para sa mga bisitang dumadalaw sa person deprived of li­berty (PDLs).

Sa relieve order na nilagdaan ni CCInsp. Ruben Formoso, OIC-Acting NBP Superintendent, sinibak sa pwesto sina Correction Officers 1 Karen Soriano, Kiera Iket, Odesa Etong, Ahmor Darasin, Guada Bello, Melowyne Tallongan, at Angelique Domingo. Sila ay ilalagay sa ilalim ng “attached/unassigned” sa NBP Superintendent’s Office.

Katwiran ni Catapang, ang strip search ay ipinatutupad ng kanyang mga tauhan upang maiwasan ang pagpuslit ng mga kontrabando, at sa kawalan ng mga body scanner ay mano-mano ang ginagawang proseso pansamantala.

Ipinakita naman sa media ni CSr. Insp. Abel Ciruela, camp commander ng NBP- Maximum Security Camp, sa walkthrough nitong Martes kung paano nagsasagawa ng inspeks­yon ang mga tauhan ng BuCor sa mga bisita ng PDLs.

Sinabi ni Ciruela na ang strip cavity search ay ginagawa sa lahat ng mga bisita mula noong 2018, ngunit dahil sa dami ng mga kontrabando na nakukumpiska sa loob ng kampo at mga bisitang nahuling nagtangkang magpuslit ng mga kontrabando, ang strip cavity search ay naging “mandatory”.

Ipinunto ni Ciruela na ang mga bisita ng PDL ay binibigyan ng waiver ng karapatan sa frisk/pat, rub, strip at/o visual cavity search at ang mga hindi boluntaryong nagsumite ng kanilang sarili upang sumailalim sa nasabing body search ay maaaring magsagawa ng E-Dalaw o online visit.

Iniutos na rin ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla ang masusing imbestigasyon sa strip search na ipinatutupad ng BuCor.

Aniya, hindi nila kinukunsinti ang prison guards sakaling mapatunayang guilty sa pag-abuso sa kanilang awtoridad. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here