MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na inatasan na si Senador Rodante Marcoleta sa Hunyo 1 na mag-isyu ng notices para ipagpatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control scandal na itinakda naman sa Huwebes, Hunyo 4.
“We finished a caucus over lunch, and we agree subject to some minor discussion… that a subcommittee will be formed for the flood control, and Senator Marcoleta will issue the notices on Monday to continue on sa Thursday the flood control scam hearings,” sinabi ni Cayetano sa Facebook live.
Si Marcoleta ang vice chairperson ng Blue Ribbon panel.
Ani Cayetano, ang imbestigasyon sa flood control ang isa sa tatlong pangunahing isyu na tututukan ng Senado, kasama ang mga isyu na may kaugnayan sa krisis sa ekonomiya at impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Noong Abril, sinuspinde ni dating Blue Ribbon Committee chairperson Panfilo Lacson ang mga pagdinig sa flood control scandal hanggang makakuha ng siyam na pirma mula sa committee members para isponsoran at ipresenta ang partial report ng kontrobersiya.
Ngayong buwan ay iniulat naman ni Lacson na pitong senador ang pumirma ng partial report.
Ang mga pumirma ay sina Lacson, Senador Vicente “Tito” Sotto III, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Erwin Tulfo, at Kiko Pangilinan.
Ayon kay Lacson, ang partial report sa flood control controversy ay maaaring mai-archive kung bigong makakuha ng sapat na pirma ang panel sa oras na mag-adjourn sine die ang 20th Congress sa Hunyo 5, 2026. RNT/JGC