Manila, Philippines – Aminado si Senator Imee Marcos na tinatamad siyang dumalo ng mga Senate investigation, kung kaya’t kapansin-pansin ang madalas niyang ‘di pagsipot.
Hindi sa nais ni Imee na magkaroon ng “railroading” o shortcut sa kaso.
Ang kanya, pag may matibay na raw ebidensya–let the courts of law take over.
Hindi naman kasi nila ito sakop.
Kaladkarin sa korte at ipakulong kung kinakailangan kung napatunayang nagkasala.
In the same vein, pabor si Imee na ipatawag sa Senado ang kontrobersyal na couple na sina
Maris Racal at Anthony Jennings.
Ito’y base sa isiniwalat na screenshots ni Jam Villanueva ng umano y transaksyon ng couple sa isang drug supplier.
Si Jam ay ang dating nobya ni Anthony.
Dahil sa exposè ni Jam ay biglang nabulabog ang PDEA na balak na ring mag-imbestiga.
Kung ipatatawag sa Senado’y sang-ayon si Imee.
Simple lang ang kanyang paniniwala involving stars sa isyu ng droga.
Perceived to be role models, dapat daw ay maingat ang mga artista sa kanilang imahe.
May panawagan din si Imee sa mga tauhan ng law enforcement agencies sa bansa.
“Huwag magpasindak kung may-kaya ang involved, artista o sikat…kapag nagkamali, hayaang batas ang umusig. Let them suffer the consequences of their actions!” ani Imee.
With Imee’s stand on the drug issue involving celebrities, hindi maaaring sabihing anti-showbiz siya.
Mula noon hanggang ngayon, Imee’s heart resonates with the people from the showbiz profession.
Samantala, since she’s a reelectionist ay sobrang busy niya kung kaya’t nakabinbin ang dapat sana’y Part 3 ng Maid in Malacañang at Martyr or Murderer. Ronnie Carrasco III