Home NATIONWIDE Imee pabor sa pagsisimula ng impeachment trial vs Sara Duterte pagkatapos ng...

Imee pabor sa pagsisimula ng impeachment trial vs Sara Duterte pagkatapos ng SONA

152
0

MANILA, Philippines- Sinuportahan ni Senador Imee Marcos ang napagkasunduan ng miyembro ng Senado ngayon na isagawa ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte pagkatapos ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa July 21, 2025.

Sinabi ni Marcos na kanyang tinututulan ang agarang paglilitis kay Sara Duterte hinggil sa ilang umano’y paglabag sa Saligang Batas at paglulustay umano sa pondo ng bayan tulad ng confidential funds.

Aniya, umabot sa mahigit dalawang buwan bago kumilos ang Kamara sa impeachment laban kay Duterte.

“Napag-usapan ‘yan ng mga senador at sang-ayon ako sa desisyon ng ating Senate President,” aniya sa press conference.

Sinabi niya na makasasagabal ang agarang paglilitis dahil abala ang ilang senador sa kampanya.

“‘Di nakakatulong ‘yun. Abala ang lahat, baka walang panahon din na mag-aral at suriin nang maigi ang katibayan na ipapakita. Subalit sa kabila, no’n, ‘pag magtatawag ng special session, ang tanging dahilan is urgent matter. Eh parang ramdam ko hindi naman siya urgent kasi ang tagal tagal na niyan eh,” aniya.

Naunang inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sisimulan ang impeachment trial laban kay Duterte pagkatapos ng SONA.

Pero, hiniling ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Escudero na simulan ang paglilitis dahil tungkulin ito ng Senado na nakatakda sa 1987 Constsitution,

Binanggit niya ang Section 3(4), Article XI ng 1987 Constitution, na nagsasabing: “In case the verified complaint or resolution of impeachment is filed by at least one-third of all the Members of the House of Representatives, the same shall constitute the Articles of Impeachment, and trial by the Senate shall forthwith proceed.”

Nitong Pebrero 5, inaprubahan ng Kamara ang impeachment laban kay Duterte na lumagda ang 215 mambabatas na nag-endorso sa reklamo. Kaagad nitong isinumite ang Articles of Impeachment sa Senado sa araw na iyon ngunit, nag-adjourn ang sesyon. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here