Home OPINION IMF, ADB: EKONOMIYA NG PINAS BAGSAK

IMF, ADB: EKONOMIYA NG PINAS BAGSAK

2
0

NAGPIPYESTA ang pamahalaang Marcos dahil narating na natin umano ang upper-middle-income na ranggo ng mga yumayamang bansa at ayon ito sa World Bank.

Nakabatay umano ito sa tinatayang Gross National Income per capita o kita na $4,516 to $14,005 ng bawat mamamayan nitong 2025 at ang katamtamang kita na ngayon ay $4,850.

Sinusukat ang GNI per capita sa pagsasama-sama ng kita ng mga mamamayan at negosyo at hinahati ito sa bilang ng mga mamamayan.

Gayunman, matapos na ihayag ng World Bank na tumaas na ang ranggo ng Pinas, ano itong sinasabi naman ng International Monetary Fund na bagsak ang ekonomiya natin at hindi natin makakamit ang pag-unlad na gaya ng nais ng pamahalaan sa taong ito?

Sabi ng IMF, hanggang 3.9 porsyento lang umano ang maging pag-unlad natin mula sa naunang tantiya nito na 4.1% nitong Abril.

Para naman sa Asian Development Bank, hanggang 3.8% lang ang pag-unlad natin at mabibigo nating kamtin ang naunang tantiya na 4.4% batay sa mabagal na rekord ng pag-unlad na 2.8% sa unang tatlong buwan ng taon.

Ang mga dahilan umano ng mabagal o bagsak ng ekonomiya natin ay bunga ng krisis sa langis na likha ng giyera sa Gitnan Silangan, kikbakan sa kaban ng bayan o korapsyon at sobrang taas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi na kataka-taka ang sinasabi ng IMF at ADB na mga dahilan ng bagsak nating ekonomiya at sinasabi pang pinakamasama ang ekonomiya natin kumpara sa ibang mga bansa sa Southeast Asia, maliban lang sa Thailand.

Tanong: Totoo bang yumayaman na lahat ang Pinoy?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here