Home OPINION SAKTO PAGPILI KAY CHIZ

SAKTO PAGPILI KAY CHIZ

1
0

MARAMI ang nag-abang sa unang linggo ng Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at dahil sa tindi ng interes ng publiko, marami rin ang nag-akalang magiging magulo ang simula ng paglilitis.

Ngunit sa halip, naging maayos ang takbo ng proceedings sa kabila ng sunod-sunod na pagtutol at ligal na argumento ng magkabilang panig.

Malaki ang ibinibigay na kredito rito sa Presiding Officer na si Senator Chiz Escudero. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naging organisado ang pagdinig at tuloy-tuloy ang pagtalakay sa bawat isyu.

Hindi naman ibig sabihin nito na naging magaan ang trabaho. Halos araw-araw ay may procedural objections, constitutional issues, at mahahabang argumento mula sa prosecution at defense. Gayunman, nagawa pa ring mapanatiling maayos ang daloy ng Impeachment trial.

Ayon kay University of the Philippines College of Law Associate Dean Atty. Paolo Tamase, mahalagang abogado ang namumuno sa ganitong proseso dahil ang Impeachment ay isang ligal na paglilitis. Kailangang mabilis na makapagpasya sa mga usaping may kinalaman sa procedure, ebidensya, at mga tanong sa Konstitusyon.

Isa sa mga unang nagduda kay Escudero bilang Presiding Officer ay si constitutional law professor Tony La ViƱa. Ngunit matapos niyang mapanood ang aktwal na proceedings, inamin niyang nagbago ang kanyang pananaw.

Sabi ni Prof. Tony, naging mas episyente ang paglilitis dahil hindi na kailangang dumaan pa sa mahabang konsultasyon bago makapaglabas ng mga ruling ang Presiding Officer.

Ganito rin ang pananaw ni writer at cultural critic Kristine Stuart Santiago. Para sa kanya, hindi lang ligal na kaalaman ang mahalaga kundi pati ang karanasan sa pamamahala ng mga mainit na debate sa Senado.

Maging ang magkabilang panig ng Impeachment ay nagpahayag ng positibong obserbasyon. Tinawag ni Lead House Prosecutor Gerville Luistro na mahusay, masipag at handa si Escudero, habang sinabi naman ni defense spokesperson Atty. Michael Poa na naging maayos o “smooth” ang takbo ng proceedings.

Nagbigay rin ng “high grades” si dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna sa naging pagganap ng Presiding Officer.

Sa unang linggo pa lang, ipinakita na ang tunay na sukatan ng isang Presiding Officer ay hindi kung sino ang napapaboran, kundi kung paano napakikinggan ang magkabilang panig at kung paano naipatutupad ang batas nang patas. Sa ngayon, ito ang nakikita ng maraming eksperto sa pamumuno ni Senator Chiz Escudero.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here