NUMERO! ‘Yan ang kailangan sa pulitika kung gusto mong makuha ang pakay mo. “MAJORITY RULES” NOT “MAJORITY IS CORRECT”.
Para manalo, numero sa boto ang kailangan. Binili man o pinag-isipan ang boto, pareho ang bilang ng counting machines.
Kaya kahit bilyun-bilyong piso pa gastusin ng Commission on Elections sa modernization ay hindi garantiya na it will result to “CLEAN, HONEST ELECTION”. Bibilis lang ang pagbilang at labas ng resulta.
Kaya naman sa kongreso, NUMERO ang kailangan para maging Speaker o Senate President. At ang numero ay nabibili, napag-uusapan.
Sa ngayon, maaaring may napili na tayong representate ng distrito o senador. Nabigyan ka ng ayuda, napasaya, o personal kang natulungan.
‘Yan ang malimit na batayan sa pagpili ng kandidato. At walang masama kung ‘yan ang inyong batayan. Pero may higit pa tayong dapat suriin sa mga kandidato na ating pagpipilian. At marahil kapag naisip natin ito ay maaaring magpabago sa napili mo.
Sa ngayon maingay ang panawagan ng mga ayaw kay Sara Duterte na siya ay ma- “impeach” bilang vice president. At ang Kongreso lang ang may kapangyarihan nito.
Ayon sa Saligang Batas:
Article XI section 2
The President, the Vice-President, the members of the Supreme Court, the Members of Constitutional Commissions, and the Ombudsman may be REMOVED FROM OFFICE ON IMPEACHMENT.
Article 3 (1)
The House of Representatives shall have the EXCLUSIVE POWER TO INITIATE ALL CASES OF IMPEACHMENT.
Article 3 (3)
A vote of AT LEAST ONE THIRD of all the members of the House shall be necessary either to affirm a favorable resolution with the Articles of Impeachment of the Committee, or override its contrary resolution. The vote of each Member shall be recorded.
Article XI (6)
The Senate shall have the SOLE POWER to try and decide all cases of Impeachment.
Ang boto ng Senado na kailangan para ma convict at matanggal ang vice president — TWO THIRDS (2/3) of all the members of the Senate.
Sa liderato ni Speaker Martin Romualdez – kayang kaya ang 1/3 vote para maisampa ang articles of Impeachment sa Senado. Pero para matanggal si Sara kailangan 2/3 votes ng lahat ng Senador.
So kung ikaw ang botante tatanungin mo ba kung ano ang paninindigan ng kandidato sa issue ng impeachment?
Pero okay kung sakaling matanggal nga ang bise presidente, SINO IPAPALIT?
IBOBOTO BA NG TAUMBAYAN ANG PAPALIT NA BISE PRESIDENTE? HINDI!
So kung ayaw mo si SARA, at may gusto kang pumalit sa kanya wala kang ‘say’ kung sino bilang botante.
Sino ang pipili?
Ayon sa Saligang Batas: Whenever there is a vacancy in the Office of the Vice-President during the term of which he was elected, the PRESIDENT shall nominate a Vice President from among the members of the Senate and the House of Representatives who shall assume office upon confirmation by a MAJORITY VOTE of all the members of both House of Congress, voting separately.
Kaya, ang pipili ay ang Presidente at sa Kongreso siya pipili ng bagong Bise- Presidente.
At dahil ‘one term’ lamang ang presidente, ang mapipiling bagong vice president ay pwedeng tumakbong presidente .
Ganyan kahalaga ang isang boto mo sa halalan, kababayan.