Home NATIONWIDE Impeachment case vs VP Sara ‘di socmed contest, ‘di paramihan ng like

Impeachment case vs VP Sara ‘di socmed contest, ‘di paramihan ng like

145
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na hindi dapat gawing social media contest ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, at iginiit na ang proseso ay pagpapasyahan batay sa ebidensya sa House of Representatives.

Si Luistro, na chairperson ng House Committee on Justice, ay nagsalita habang sinimulan ng komite ang pagtalakay sa mga beripikado at inendorso na impeachment complaints laban sa Bise Presidente.

“So let me say this clearly: Impeachment is a constitutional process—not a social media contest. Hindi hashtag ang magpapasya dito. Hindi meme ang maghahatol. Hindi ito paramihan ng like,” ani Luistro sa pagdinig.

Pinaalalahanan din niya ang kanyang mga kasamahan na maging maingat at matatag sa gitna ng laganap na disinformation at fake news.

“Ang tungkulin ay hindi pinipili—ito ay ginagampanan. Lalo na ngayong panahon na laganap ang fake news, mas lalo tayong dapat maging maingat at matatag. Mas lalong hindi magpapatinag,” aniya.

“Kapag kumakalat ang fake news, hindi sapat ang manahimik. Ang tamang sagot ay wastong proseso. Ang kailangan natin ay simulan itong proseso ng pagsusuri, nang sa gayon ay magkaroon tayo ng linaw at hindi maligaw sa maling impormasyon,” dagdag niya.

Opisyal na inumpisahan ng Kamara ang impeachment complaints noong nakaraang linggo sa pamamagitan ng plenary action. Noong Pebrero 18, inanunsyo ni Duterte ang kanyang intensyong tumakbo sa pagkapangulo at nananatili siyang popular sa kabila ng mga kasong impeachment.

Ikalawang sunod na taon na itong tinangka ng Kamara na i-impeach ang Bise Presidente. Noong 2025, na-impeach siya ng House ngunit hindi nagsagawa ng impeachment trial ang Senado. Kalaunan, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment dahil sa technicality kaugnay ng one-year bar rule.

Pinabulaanan din ni Luistro ang kumakalat na pahayag online na napagdesisyunan na ng Korte Suprema ang merito ng nakaraang reklamo.

“It emphasized that it did not absolved the Vice President from any of the charges. Those are not my words; those are the [SC]’s own clarifications,” ani niya.

“To suggest therefore that the allegations have already been resolved on the merits is legally incorrect….So my dear colleagues, let us discharge this duty, walang short cut, walang paunang paghuhusga, tanging katapatan lamang sa Saligang Batas,” pagtatapos ni Luistro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here