MANILA, Philippines – Siniguro ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Biyernes, Setyembre 13 ang lahat ng mga empleyado, miyembro at pensioner nito na ligtas ang kanilang personal na impormasyon kasunod ng kumpirmadong security incident sangkot ang compromised administrator account sa isang test computer.
“We assure our employees, members and pensioners that the protection of their information is of utmost priority. GSIS is implementing needed measures to protect our systems and information,” the state workers’ pension fund saad sa pahayag ng GSIS.
Ayon sa GSIS, ang breach ay iniulat nitong Huwebes, at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang lawak ng pangyayari.
“The affected computer is a test computer and contains dummy data used for the tests,” dagdag pa sa pahayag.
Biniberipika na ng GSIS ang claim ng intruder batay sa Data Privacy Act at nagpapatupad na ng hakbang para gawing ligtas ang kanilang mga sistema at impormasyon. RNT/JGC