Home SPORTS SEA Games sa Thailand pinaghahandaan na ng POC

SEA Games sa Thailand pinaghahandaan na ng POC

MANILA, Philippines – Todong paghahanda ang ginagawa ng Philippines Olympic Committee (POC) sa ilang mga international sporting events na lalahukan ng mga atleta ng bansa.

Isiniwalat ni  POC President Abraham “Bambol” Tolentino na pinagpaplanuhan na nila ang  gaganaping Southeast Asian Games  sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

Sinabi ni Tolentino na aapela sila sa organizers dahil inalis ang apat na sports kung saan malakas ang Pilipinas sa nasabing torneo.

“Kapag tinanggal ang nasabing apat na sports, mababawasan ang  walong gintong medalya ang bansa,” ani Tolentino.

Ayon sa ulat, inalis ng organizer ng SEA Games sa Thailand ang mga sports na weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate.

Kumpiyansa si  Tolentino na papaburan sila ng SEAG Federation ang kanilang apela.