Home NATIONWIDE Import permit ng nasa likod ng nasamsam na imported Vietnamese rice pinawalang-bisa...

Import permit ng nasa likod ng nasamsam na imported Vietnamese rice pinawalang-bisa ng DA

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Department of Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel Jr. na siya ang nag-utos na kanselahin ang import permit para sa bigas na sakay ng MV Tay Son matapos makatanggap ng isang “derogatory” information tungkol sa shipment.

Hiniling kasi aniya ng importer na Planters Product Inc. ang pagkansela ng permit matapos na malaman na ang inaangkat na bigas ay may 5% broken rice, sa halip na 25% na nakasaad sa kontrata.

Bukod pa sa nag-expire na rin kasi ang kontrata dahil nakatakda sanang dumating ang shipment noong Hulyo, ngunit Setyembre na ito nakarating sa Pilipinas.

“The records will show otherwise. It was the DA, through my office, that stopped the shipment by ordering the Bureau of Plant Industry (BPI) to cancel its sanitary and phytosanitary import clearance, even though the vessel was already on its way to the Philippines,” ayon kay Tiu Laurel.

“Critics of the DA are painting a false picture of this incident, suggesting malice and corruption through insinuations that border on libel,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, ang shipment ay papunta sana sa Davao Occidental, subalit napaulat na naharang ng Bureau of Customs at Philippine Navy ang vessel. Ito’y matapos na pinawalang-saysay ng BPI ng DA ang sanitary at phytosanitary import clearances ng PPI at inabisuhan ang Port of Davao.

“The DA chief said the import permit was canceled at the request of Planters Product Inc. (PPI), which was importing 25-percent broken rice but was informed that the shipment contained 5-percent broken rice,” ang nakasaad sa kalatas ng departamento.

“He added that PPI also notified him that the importation contract had already expired, as the delivery was originally scheduled for July, a period when rice supply is typically tight,” ang mababasa pa rin sa kalatas.

Sinabi pa ng DA na ang vessel ay may dalang imported rice at dumating sa Port of Davao noong September 14 nang walang balidong SPIC, at tumanggi ang kapitan na magsagawa ng inspeksyon ang BPI.

Sa ulat, naharang ang barko noong Setyembre 17, 2026 sa tulong ng Philippine Navy–Naval Forces Eastern Mindanao dahil sa umano’y paglabag sa mga patakaran sa customs at kawalan ng import clearance mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Naglabas ang BOC–Port of Davao ng Warrant of Seizure and Detention laban sa barko at kargamento nito dahil sa posibleng paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Noong Setyembre 29, sinubukan ng mga tauhan ng Customs na inspeksiyunin ang kargamento, ngunit tumanggi umano ang kapitan ng barko na buksan ang mga takip nito. Ipinaliwanag ng kapitan sa pamamagitan ng isang Vietnamese interpreter na sumusunod lamang siya sa utos ng charterer.

Dahil dito, hindi nakumpleto ang pisikal na inspeksiyon sa kargamento. Gayunman, pumayag umano ang kinatawan ng importer na buksan ang mga takip para sa pagsusuri.

Inirekomenda rin ng BOC ang pagpapataw ng pinakamataas na multang ₱300,000 sa barko dahil sa hindi awtorisadong pag-alis, hindi pagsunod sa mga proseso ng Customs, Immigration and Quarantine (CIQ), at hindi pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento.

Samantala, sinabi ni Tiu Laurel na inirekumenda ng BPI ang pagbabalik ng bigas sa bansang pinanggalingan nito at naghihintay ng magiging aksyon ng BOC.

“The BOC may instead seize the shipment and impose penalties, depending on its findings and the applicable rules. In either case, the vessel remains subject to penalties arising from the incident,” ang sinabi ng DA. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here